Klase sa Albay suspendido pa rin ngayong araw kahit kinansela ang transport strike ng PISTON

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2017 - 06:25 AM

Kahit kinansela na ang tigil-pasada ng grupong PISTON mananatiling walang pasok sa lahat ng antas sa, public at private sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, ipinabatid sa kanila ng PISTON-Bicol na tuloy ang strike doon ngayong araw kahit kanselado ang strike sa Metro Manila.

Partikular na tinukoy ni Bichara si PISTON-Bicol Director Ramon Excovilla na nagsabing tuloy ang tigil-pasada sa Bicol.

Noong pang Biyernes, Dec. 1 nang ianunsyo ni Bichara ang suspensyon ng klase sa Albay.

Samantala, kapwa naman binawi na ang class suspension na naunang inanunsyo sa baya ng Guagua sa Pampanga at sa lalawigan ng Camarines Sur.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, class suspension, transport strike, walang pasok, Albay, class suspension, transport strike, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.