EX DOH SECS. GARIN AT UBIAL, DAPAT BAKUNAHAN sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

Posted in: Column, Latest News

EX DOH SECS. GARIN AT UBIAL, DAPAT BAKUNAHAN sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

 Sa ngayon, ang mga magulang ng  733,713  Grade 4 public students  dito sa Metro Manila  maging sa Central Luzon at Calabarzon ang hindi mapagkatulog sa nabulgar  na P3.5B na anti-dengue vaccine ng nakaraang Pnoy administration. Isama na natin diyan yang mga batting pinabakunahan din mag “pediatricians” na suki ng bagong “bakuna” na ito.  Sa ngayon, ang mga magulang ng  733,713  Grade 4 public students  dito sa Metro Manila  maging sa Central Luzon at Calabarzon ang hindi mapagkatulog sa nabulgar  na P3.5B na anti-dengue vaccine ng nakaraang Pnoy administration. Isama na natin diyan yang mga batting pinabakunahan din mag “pediatricians” na suki ng bagong “bakuna” na ito.

Bakit nga hindi? Mismong ang manufacturer ng DENGVAXIA  na SANOFI PASTEUR  ay umamin noong November 29 sa Paris na  may matindi at negatibong side-effect ang kanilang  bakuna. Ayon sa  SANOFI, malakt ang panganib na magkaroon ng ‘severe dengue’ ang mga batang nagka-dengue na  at tatamaan sa ikalawang beses ng tinawag na “different dengue virus”.  Sinabi rin ng SANOFI, hindi dapat bakunahan ang mga  batang hindi pa tinatamaan ng “dengue”.Maliwanag tuloy na massala ito sa bata, tinamaan man o hindi pa ng dengue.

Sa DOH press conference nitong Sabado, sabi ni DOH sec. Fransisco Duque, inaalam  pa ng gobyerno ang mga deklarasyon ng SANOFI-PASTEUR, “We’re awaiting Sanofi’s definition of  severe disease..Magulo e there is no clarity”. Ayon pa kay Duque, ligtas pa daw sa loob ng 2 and 1/2 years ang mga batang nabakunahan  dahil nandyan pa and proteksyon. Mga pahayag na sa pananaw ko ay “damage control” lamang para kalmahin and publiko.

Tulad ng sinasabi nitong  si Dr. Scott Halstead, 50 year dengue expert at founder ng  Pediatric Dengue Vaccine Initiative, na ang Dengvaxia  ay  nagdudulot ng mas matinding sakit tulad ng dengue hemmorhagic fever hindi lamang sa båtäng nagka-dengue na kundi lalo sa mga båtäng hindi pa nade-dengue.
Ayon naman kay Dr. Susie Pineda-Mercado, dating DOH USEC. at International public health expert, ito raw and tinawag niyang “biggest government funded clinical trial-masked-as-a-public-health program scam of an experimental drug in the history of the DOH”.  Ito raw ay “reckless” and irresponsible” na simula pa lamang ay niloko ang publiko na poprotekahan ng bakuna ang kanilang mga anak pero inilagay pala sa mas mapanganib.

Paano ba nangyari itomg “eksperimento” ni ex-DOH Sec. Garin at nagplano  silang gawing   “dagang kosta”  ang halos isang milyong grade 4 public students? Paanong ipinatupad ang pagbabakuna nang wala pang  final resuts” ? Kailas pa ginawang laboratoryo ng “human trials” ang Pilipinas?
Noong December 2015 sa Paris France, , si Pnoy ay may  “courtesy call” sa mga  Sanofi pasteur exécutives. Ilang araw ang nakalipas , inaprubahan ni DOH sec. Janette Garin ang pagbili ng P3.5B vaccines ng Sanofi at  sinimulan ang pagbabakuna dakong April 2016 sa  mga grade 4 students o isang buwan bago mag-eleksyon.

Nang manalo si Pres. Détente at   maging DOH secretary ang  dating ASEC  ni GARIN na si Paulyn Ubial, nakakapagtaka na urong-sulong ang naging aksyon nito sa DENGVAXIA. Noon July 2016,  pumirma si Ubial sa resolusyon na nagpapatigil sa programa at sinabing hindi ito ligtas. Sinabi niya rin ito sa 2017 budget panels na  merong “potential health risks” ang naturäng bakuna. Pero, noong September 28, 2016, nag-isyu siya ng “Certificate of exemption for the vaccine, Dengvaxia” na pwede pa raw gamitin ng DOH.  Nang komprontahin sa Commission on Appointments, nag-apologise  at sinabing nakalimutan niya ang July resolution.

At ngayon nga, lumabas na ang resulta ng final trials at natuklasan na talagang matindi ang negatibong side-effects nito.

Sa mga balita, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre  ay maglalabas daw ng department order para siyasatin and naturing P3.5B Dengvaxia program ng DOH ng nakaraang PNOY administration. Si Senator JV Ejercito ay nagsabi na magsisiyasat din ang kanyang Senate Committee on Health sa naturang Dengue vaccination program , pero sa January 2018. (Ano ba iyan, walang sense of urgency, sir? istorbo ba sa 2018 budget?) , kasabay na rin ang Senate Blue Ribbon committee ni Senator Dick Gordon.

Sa totoo lang, nakakagalit ang Dengvaxia program na ito. Isäng libong piso ang halaga nito “over the counter”, kayat napakalaking P3.5B ang ginastos na tax money rito. Ayokong maniwala na minadali ito para makalikom ng “campaign funds” para sa kandidato ng LP sa May 2016.  Isipin niyo, nag-miting ng Disyembre sa France at ilang araw lang aprub na ang kontrata sa DOH at 5 buwan, naipakalat na agag ang bakunang hindi man lang dumaan sa “quality assurance”, o “due diligence” lalot  ito’y isang “experimental drug” pa lamang.

Kunsabagay, si Dra. Janette Garin ay hindi lamang doktor kundi isa ring kongresista ng Liberal Party, bago naging pinuno ng DOH ayat may koneksyon sa pulitika ang pagmamadali nito. At tauhan naman niya  sa DOH bilang Assistant secretary ang pumalit sa kanyang  si Dr. Paulynn Ubial na lumilitaw ngayong  kakampi niya sa Dengvaxia, kayat nagtuloy-tuloy ang eksperimento ng dagang kosta.
Nakabantay ang taumbayan sa isyung ito, at ang masakit ,buhay ng kanilang mga anak, apo at kamag-anak ang nahaharap sa sinasabing side effect na “SEVERE DENGUE” ng naturang bakuna.  Ito po’y isang makatotohanang “public emergency” na hindi dapat isantabi ng Malakanyang, Senado, Kamara, DOH at iba pa.  Kailangang managot dito ang SANOFI-PASTEUR, ang nakaraang Aquino administration  by legal action “for putting the Filipino child at risk”.

Kung pupwede sana, bakunahan niyo agad ng DENGVAXIA  itong si dating congresswoman at DOH Sec. Janette Garin pati ang tauhan niya na  dating ASEC at  di nakumpirmang DOH sec. Paulyn Ubial. Para naman, malaman nila kung ano ang ibig sabihin ngayon ng ‘severe dengue” sa bawat magulang ng   773,713 naturukang mga kabataan!

Leave a comment