Dalawang senador, kinundena ang pagpatay sa university president

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 11:49 AM

Mariing kinundena ng dalawang senador ang walang saysay na pamamaslang kay University of Science and Technology of Southern Philippines (USTSP) at Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) president Dr. Ricardo Rotoras.

Sa isang joint statement ipinahayag nina Senador Bam Aquino at Senador Francis Pangilinan ang kanilang pagkundena sa pamamaslang.

Ayon sa dalawang senador, malapit nilang nakatrabaho si Rotoras upang maipasa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act habang ito ay nanungungkulan bilang PASUC president.

Sa ilalim ng naturang batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 3 ay mabibigyan ng libre at kaledad na tertiary education ang mga kabataan na mag-aaral sa mga state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), at state-run technical vocational institutions.

Anila, malaking kawalan si Rotoras sa pagtutulak ng bansa para sa kaledad na edukasyon para sa bawat isang Pilipino.

Dagdag pa ng mga senador, tinatawagan nila ang mga otoridad na siguraduhing madadala sa hustisya ang pagkamatay ni Rotoras at maparusahan ang sinumang may sala.

TAGS: bam aquino, Francis Pangilinan, Ricardo Rotoras, bam aquino, Francis Pangilinan, Ricardo Rotoras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.