Winner-take-all Game 3 para sa UAAP Men’s Basketball, magaganap ngayong araw

By Rhommel Balasbas December 03, 2017 - 07:25 AM SHARE(S):
INQUIRER File Photo

Natapos man ang inaabangang Cheer Dance Competition, ay hindi pa natatapos ang isa pang mainit na bakbakan sa UAAP.

Ngayong araw ay mapapatunayan kung sino ang hari ng basketball ring sa paghaharap ng Ateneo de Manila University Blue Eagles at De La Salle University Green Archers sa kanilang huling laro sa UAAP Season 80 men’s basketball.

Pumabor ang game 2 ng best-of-three championship series sa Green Archers sa iskor na 83-92 sa kabila ng lamang ng Blue Eagles na umabot sa 21 puntos.

Ayon kay Ateneo Assistant Coach Sandy Arespacochaga, kailangang magfocus ng kanyang koponan at mas iniisip nila ang kasalukuyan kaysa sa nasayang nilang oportunidad noong game 2.

Magaganap ang harapan mamayang alas 3:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

TAGS: Ateneo de Manila University, Blue Eagles, De La Salle University, Green Archers, UAAP, UAAP Season 80, Ateneo de Manila University, Blue Eagles, De La Salle University, Green Archers, UAAP, UAAP Season 80

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.