Bagong Miss Supranational 2017, kinoronahan na

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 06:05 AM SHARE(S):
Miss Supranational Youtube

Itinanghal bilang Miss Supranational 2017 ang pambato ng South Korea na si Jenny Kim.

Bago sumali sa naturang pageant ay una nang naging kalahok at representative ng South Korea si Kim sa ginanap na Miss Universe 2016 pageant sa Pilipinas noong Enero.

64 na mga bansa ang tinalo ni Kim, kabilang na ang pambato ng Pilipinas na si Chanel Olive Thomas na umabot lamang hanggang sa Top 10.

1st runner up si Tica Martinez ng Colombia, na sinundan ni Bianca Tirsin ng Romania sa 2nd runner up.

Itinanghal naman na 3rd runner up si Biyaniya Yosef ng Ethiopia habang nasa ika-apat na pwesto naman si Larissa Santiago ng Puetro Rico.

Samantala, nasungkit naman ng pambato ng Pilipinas ang ikalawang pwesto sa Best in Swimsuit category na nalaman sa pamamagitan ng online voting. Mula sa Vietnam ang nakakuha sa naturang award.

2013 nang manalo si Mutya Johanna Datul sa Miss Supranational. Siya ang unang kandidata ng Pilipinas at mula sa Asya na nag-uwi ng korona.

TAGS: Miss Supranational 2017, Miss Supranational 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.