1,000 bahay,tinupok ng wildfire sa California

By Jay Dones September 20, 2015 - 09:52 AM

 

Mula sa inquirer.net/AP

Nasa mahigit isanlibong tahanan ang tinupok ng apoy sa dalawang magkahiwalay na wildfire sa California State sa Amerika.

Ayon kay California Department of Forestry and Fire Protection spokesman Daniel Berlant, nasa 755 na bahay ang unang natupok ng apoy sa Amador at Calaveras counties.

Ang naturang bilang ay nadagdagan pa ng mapasok na ng fire fighting team ang Sierra Nevada foothills at madiskubre ang 250 pang mga tupok na mga tahanan.

Hindi pa ganap na nakokontrol ng mga otoridad ang sunog.

Dalawa katao na ang iniulat na nasawi sanhi ng wildfire.

Dahil sa hindi pa naapula, patuloy itong nagbabantang tupukin ang may 6,400 pang istruktura sa naturang lugar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.