PNP bumuo ng team na mag-iimbestiga sa pinatay na pangulo ng PASUC

By Den Macaranas December 02, 2017 - 03:34 PM

FB photo

Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng isang Special Investigation Task Group na tututok sa pinatay na pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges.

Pinagbabaril hanggang sa namatay ang biktimang si Dr. Ricardo “Ric” Enriquez Rotoras na siyang pangulo ng University of Science and Technology of Southern Philippines.

Sinabi ni Cagayan De Oro City Police Chief SSupt. Roy Bahian na naganap ang pananambang kaninang madaling araw sa Golden Glow North Village sa nasabing lungsod.

Sa paunanang imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na galing sa isang Christmas party ang biktima ay inabangan ng mga salarin malapit sa kanilang bahay.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung nakunan ng CCTV ang posibleng pagkakakilanlan ng mga armadong suspek.

TAGS: ambush, pasuc, PNP, rotoras, ambush, pasuc, PNP, rotoras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.