2 sugatan sa karambola ng 2 motorsiklo at 1 bisikleta sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2017 - 10:28 AM

Sugatan ang dalawang katao matapos magkarambola ang dalawang motorsiklo at isang bisikleta sa Quezon City.

Naganap ang aksidente sa Katipunan flyover southbound alas 8:13 ng umaga.

Nasugatan sa aksidente ang driver ng isa sa dalawang motorsiklo at ang driver ng bisikleta.

Kapwa minor injuries lamang naman ang natamo ng dalawa.

Samantala, isa pang karambola ng mga sasakyan ang naitala ng MMDA sa bahagi naman ng EDSA sa Makati.

Sa abiso ng MMDA, sangkot sa aksidente ang tatlong kotse at isang motorsiklo sa southbound ng EDSA-Kalayaan.

Kapwa nagdulot ng lalo pang pagsisikip sa daloy ng traffic ang dalawang aksidente.

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, EDSA Kalayaan, Katipunan Avenue, mmda, multiple collision, accident, EDSA Kalayaan, Katipunan Avenue, mmda, multiple collision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.