11 NPA na napatay sa Nasugbu, nakilala na

By Jan Escosio December 01, 2017 - 12:14 AM

 

Makalipas ang dalawang araw, nakilala na rin ang 11 sa 14 na diumanoy mga miyembro ng New People’s Army na napatay sa engkuwenteo sa Nasugbu, Batangas.

Magkahalong pighati at galit ng mga kaanak na halos wala ng tulog habang pinoproseso ang bangkay ng kanilang mga anak at kapatid sa St. Peters Funeral Homes.

Tumanggi ang mga ito na magpa-interview at isang miyembro ng militanteng grupo ang nagsabi na maglalabas na lang sila ng pahayag kaugnay sa pangyayari.

Sa ngayon, tanging ang bangkay pa lang ng UP Manila student na si Josephine Lapira ang nakuha ng kanyang mga kaanak.

Maging si Nasugbu police chief Rogelio Pineda ngunit tumanggi ito sa katuwiran na hindi siya awtorisado na magsalita ukol sa engkuwentro.

Sa barangay, Aga kung saan naganap ang unang engkuwentro pasado alas-otso ng gabi noong Martes, makikita pa ang bakas ng mga dugo ng ilan sa limang namatay maging ang mga bubog ng salamin ng jeep na kanilang sinakyan.

Ayon kay Kagawad Gil Cueno, kapwa niya driver si Almario at giit nito imposible na isa itong rebelde.

Samantala, nailipat na ng ospital sa Batangas City si Almario at bantay- sarado ito sa mga pulis at sundalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.