PNP Chief Dela Rosa, nagpapaalam na sa mga sangay ng PNP

By Rhommel Balasbas November 30, 2017 - 03:44 AM

 

Nagsimula nang magpaalam sa kanyang mga kapwa pulis si PNP Chief Bato Dela Rosa.

Ito ay dahil sa nakatakda niya nang pagreretiro sa January 2018.

Sinimulan ng hepe ng pambansang pulisya ang pamamaalam sa mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa isang talumpati sa inagurasyon ng CIDG multi-purpose hall ay sinabi ni Dela Rosa na maaaring wala na siyang oras na makausap pa ang mga tauhan.

Ito ay dahil magiging abala ang tanggapan sa paparating na Christmas Season at pagkatapos nito ay diretso na siyang magreretiro.

Samantala, pinuri naman niya ang naging performance ng grupo.

Anya, simula nang maupo siya bilang hepe ng pambansang pulisya noong Hulyo ay wala siyang narinig na isyu o krimen na kinasangkutan ng mga miyembro ng CIDG.

Sa Enero sa susunod na taon ay maaabot na ni Dela Rosa ang mandatory retirement age na 56.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.