Dahil sa pagnanakaw ng tsinelas, noodles at seasoning, lalaki, arestado sa Pasay City

By Mark Gene Makalalad November 29, 2017 - 06:40 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw ng assorted merchandise sa isang hypermarket sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Ronald Gutierrez, 43-anyos at residente ng 1381 Quiricada st, Sta Cruz Manila.

Kwento ng gwardya ng mall na si Joseph Duenas, pumasok ang suspek sa hypermarket at napansin nya na tila kahina-hinala ang kilos nito.

Dahil dito sinundan nya ang suspek hanggang makarating sila sa food section kung saan kaniyang nahuli na isinilid ng suspek sa bag ang isang pares ng tsinelas, isang noodles, isang liquid seasoning, isang plastic ng candy, at isang pakete ng taba ng talangka.

Nagdire-diretso sa exit ang suspek at hindi dumaan sa counter.

Nang sitahin ng gwardya, walang maipakitang resibo ang suspek kung kaya’t dinala nya ito sa kanilang Customer Relations Office.

Nagdesisyon naman ang assistant manager ng mall na ipakulong ang suspek para pormal na masampahan ng kasong pagnanakaw.

Aabot sa P652 ang kabuuang halaga na nanakaw ng suspek na narekober naman ng pamunuan ng hypermarket.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: hypermarket, metro news, Pasay City, theft, hypermarket, metro news, Pasay City, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.