Presyo ng ilang noche buena items, tumaas na

By Mariel Cruz November 28, 2017 - 09:31 AM

Halos wala nang isang buwan bago ang Pasko, nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang noche buena items sa merkado.

Sa Balintawak Market, nadagdagan na ng dalawang piso ang presyo ng maliit na lata ng fruit cocktail na nasa P77 na, dating P75.

Ang presyo naman ng creamer, na isa sa mga ingredients ng fruit salad ay nadagdagan ng limang piso.

Nasa P52 na ang presyo ng isang 250-gram na lata ng creamer na dating P48.

Kadalasan hindi nawawala ang fruit salad sa mga inihahanda tuwing ipinagdiriwang ang Pasko.

Sinabi ng ilang vendors na nasa pagitan lamang ng P1 hanggang P2 ang mark-up ng kanilang itinitinda kada item.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Balintawak Market, Christmas, New Year, Noche Buena Products, Balintawak Market, Christmas, New Year, Noche Buena Products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.