LOOK: Tanong sa Miss Universe, pinagkatuwaan ng Pinoy netizens; ikinunekta sa LRT at MRT

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2017 - 12:21 PM

Pinagkatuwaan ng Filipino netizens ang tanong sa final three ng 2017 Miss Universe.

Ang orihinal na tanong, nilagyan ng twist at ikinonek sa problema sa MRT at LRT.

Ang humor blogger na si “Professional Heckler” ang nanguna ng thread sa twitter at nag-post ng tanong na “What quality in yourself are you most proud of and how will you apply that quality to your time as an LRT or MRT passenger?

Agad inulan ng kasagutan sa twitter ang nasabing tanong.

Ayon kay Riki FLores-Reyes, ‘resilient’ ang kaniyang katangian dahil sa kabila ng hirap na nararanasan sa pagsakay sa MRT at LRT ang mga Pinoy ay sadyang masayahin.

Ang pagiging ‘palaban’ naman ang sagot ng isa pang netizen na si Jho S. Aniya, kahit sinisiksik siya ng mga kapwa pasahero, gagawin niya ang lahat makalapit lang sa pintuan ng tren kapag bababa na siya sa kasunod na istasyon.

“Patience” at “balance” naman ang sagot ng iba dahil kailangan anila ito lalo na kung maglalakad sa riles kapag may nasirang tren.

Pagiging “creative” naman ang sagot ng iba at anila, dahil laging delay ang biyahe ng mga tren, kailangang maging creative sa pagbibigay ng dahilan kung bakit late sa trabaho.

Ayon naman sa isa sa mga nag-tweet, ‘ganda’ lang ang kaniyang katangian na kailangang baunin sa pagsakay sa MRT.

Aniya, kahit mainit at siksikan, naglalagay siya ng powder para ‘fresh’ pa rin siya sa kaniyang paglabas.

 

TAGS: LRT, MRT, Professional Heckler, Question and Answer, LRT, MRT, Professional Heckler, Question and Answer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.