2 patay sa naganap na pagsabog sa Ningbo City, China

By Mariel Cruz November 26, 2017 - 02:09 PM SHARE(S):

Hindi bababa sa dalawa katao ang nasawi sa isang malakas na pagsabog na naganap sa isang pabrika sa Zhejiang province sa China.

Mahigit tatlumpu naman ang isinugod sa ospital habang nagpapatuloy ang rescue operation sa pinangyarihan ng pagsabog.

Ayon sa Xinhua news agency, naganap ang pasabog sa Jiangbei District sa Ningbo City bandang alas-9 ng umaga.

Bukod dito, may ilang gusali din ang gumuho malapit sa residential area pero agad naman na nailikas ang mga residente sa nasabing lugar.

Sinabi naman ng Communist Party’s People’s Daily na wala naman nakatira sa mismong pinangyarihan ng pagsabog pero posibleng maraming garbage collector ang nag-tatrabaho sa lugar nang maganap ang insidente.

Sinimulan na ang pagsasagawa ng imbestigasyon para mabatid ang sanhi ng pagsabog

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.