SAF commando, patay; 10 iba pa, sugatan sa pag-atake ng umano’y NPA

By Rohanisa Abbas November 25, 2017 - 05:20 PM

Google Maps

Patay ang isang police commando habang sugatan ang 10 iba pa sa pagsalakay ng hinihinalang New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Iloilo kagabi.

Tinambangan ng armadong grupo ang Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF) sa bayan ng Maasin.

Itinakbo sa ospital si PO1 Joefel Odon ngunit nasawi rin.

Binigyang lunas naman ang 10 sugatang pulis sa Iloilo City Hospital at Cabatuan Hospital.

Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, pabalik na ang SAF sa kanilang kampo nang salakayin ng mga hinihinalang myembro ng NPA.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek.

 

TAGS: ambush, Iloilo, maasin, NPA, PNP, SAF, ambush, Iloilo, maasin, NPA, PNP, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.