Pulis patay sa pananambang ng NPA sa Iloilo

By Kabie Aenlle November 25, 2017 - 04:38 AM

Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang 10 iba pa sa ginawang pananambang sa kanila ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Iloilo, Biyernes ng gabi.

Pawang mula sa Regional Public Safety Battalion ng Police Regional Office in Western Visayas (PRO-6) ang mga inatake ng hindi natukoy na bilang ng mga rebelde sa Sitio Camansi sa Barangay Bolo, bayan ng Maasin.

Kinilala ang nasawing pulis sa pag-atake na si PO1 Jofer Odon.

Dalawa sa mga nasugatan ay dinala sa Ramon Tabiana Memorial District Hospital, habang ang walong iba pa ay dinala naman sa iba’t ibang ospital sa Iloilo CIty.

Noong nakaraang araw naman ay tatlong pulis ang nasugatan sa pananambang din ng NPA sa bayan ng Sibalom sa Antique.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.