2 lalake, limang araw naipit sa kotse dahil sa takot na malapa ng buwaya

By Rhommel Balasbas November 24, 2017 - 02:39 AM

 

Limang araw na na-stranded ang dalawang lalaki kasama ang kanilang alagang aso sa bubong ng kotse sa takot na tumaas ang lebel ng tubig at atakihin ng buwaya.

Nakilala ang mga biktima na sina Charlie Williams, 19 anyos at Beau Bryce Morris 37, anyos.

Napag-alamang mangingisda sana ang mga biktima kasama ang alagang aso sa isang liblib na lugar sa Western Australia nang malubog ang kanilang sinasakyan sa putik.

Dahil dito ay gumawa ng video messages ang mga biktima upang maidokumento ang pangyayari at maipaalam sa kanilang mga kamag-anak ang kanilang sitwasyon.

Sa naturang video, sinabi ni Morris na napaligiran sila ng mga buwaya at tinangka ng mga ito na atakihin ang kanilang alagang aso.

Natagpuan ang mga biktima sa pamamagitan ng aerial search sa lugar.

Ayon kay Sgt. Mark Balfour, rescue coordinator, dehydrated at hinang-hina nang matagpuan ang dalawa at emosyonal nang makita sila ng mga rescuers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.