WATCH: Suspek sa panloloob ng mga bahay sa Cubao, Quezon City, arestado

By Justinne Punsalang November 23, 2017 - 11:38 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Arestado ang isang binata matapos itong magtangkang pasukin ang isang boarding house sa Planas III, Barangay Kaunlaran sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Gearly Gapasen, 19 anyos na tubong Pangasinan. Hindi na itinanggi ng suspek ang tangkang pagnanakaw.

Depensa niya, malapit na kasi ang birthday niya kaya naisip niyang magnakaw.

Kwento ni Montes Aquino na pinsan ng biktima, pangatlong beses nang pinasok ni Gapasen ang boarding house ngunit wala itong nakuha mula dito.

May ilang mga bahay nang nabiktima ang grupo ni Gapasen na isang miyembro ng Sputnik Gang.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: akyat bahay, quezon city, robbery suspect, akyat bahay, quezon city, robbery suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.