Siyam, arestado sa Makati dahil sa pagsusugal

By Mark Gene Makalalad November 23, 2017 - 07:15 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang siyam na katao matapos mahuli sa aktong nagsusugal sa Solchuaga St., Brgy. Singkamas, Makati City.

Ala-1:00 ng madaling araw habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Makati Police sa pangunguna ni SPO1 Larry Correo nang mamataan nila ang mga lalaking nag-uumpukan sa isang kanto at kanila itong sinita.

Nang lapitan nila, nakita na naglalaro pala ng dais ang mga lalaki na malinaw na paglabag sa Presidential Decree 1602.

Dinampot nila ang mga ito at dinala sa Makati City Police Station.

Narekober sa sugal ang hindi baba sa P1,000 halaga ng pera.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 9 arrested, dais, gambling, makati city, 9 arrested, dais, gambling, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.