Gascon, ‘di apektado sa mga banta at mura ni Duterte

By Kabie Aenlle November 23, 2017 - 03:48 AM

 

“Walang personalan, trabaho lang.”

Ito ang naging reaksyon ni Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon sa mga bagong banat sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Gascon, ngayong halos isa’t kalahating taon na sa pwesto si Duterte, nakasanayan na niya ang mga diskarte at masasakit na salita nito.

Sa mga ganitong panahon aniya dinidipensahan ng kaniyang mga taga-suporta si Duterte, kung saan sinasabi ng mga ito na huwag seryosohin ang mga “hyperbole” na pahayag ng pangulo.

Noong Martes kasi ay muling binanatan ni Duterte si Gascon at kinuwestyon ang pananahimik ng CHR chair sa isyu ng mga paglabag ng human rights sa kasagsagan ng war on drugs.

Banta ni Duterte sa kaniyang pahayag, umiwas si Gascon na magkasalubong sila dahil baka masipa niya ito kung sakali, lalo’t hindi naman siya maidedemanda nito.

Dagdag pa Duterte, hindi niya alam kung bakla si Gascon.

“P*** bakit ka tahimik diyan? Kaya itong si Gascon… pag nakita kita… Better avoid that we cross paths. Hindi ko alam kung bakla ka o either masipa kita o… Hindi mo naman ako mademanda,” ani Duterte.

Bagaman sanay na si Gascon sa mga ganitong pahayag ni Duterte, binalaan pa rin niya ang pangulo na mag-ingat sa mga matalim na pananalita dahil maari itong magkaroon ng impact sa mga polisiya.

Mahalaga aniya ang mga binibitawang salita ng lider ng bansa, sinambit man ito sa pampublikong lugar o hindi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.