WATCH: Lalaki arestado sa pagnanakaw ng cellphone; isa pa arestado rin sa panunutok ng baril sa QC

By Jong Manlapaz November 22, 2017 - 12:30 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang isang lalaki sa bahagi ng Cambridge Street sa Barangay E. Rodriguez sa Cubao, Quezon City.

Dinakip ang suspek na si Michael Luis Palaganas – 18 anyos matapos nitong pagnakawan ng P800 at dalawang cellphone ang dalawang nakatatanda sa lugar.

Aminado naman ang suspek sa kaniyang ginawa.

Samantala, isang lasing na lalaki naman ang inaresto sa pareho ding barangay matapos manutok ng baril sa isang inuman.

Ang suspek na si Rommel Gonzalez, 29-anyos construction worker.

Sa kabila ng panunutok ng baril, kasong alarms and scandal lamang ang isinampa sa suspek matapos na matuklasang lighter lang pala na itsurang baril ang ginamit nito.

Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:


 

 

 

 

 

 

 

TAGS: man arrested, metro, quezon city, man arrested, metro, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.