WATCH: Sasakyan, inararo ang isang motorsiklo at 2 pang sasakyan sa QC; driver nahulihan ng mga baril

By Justinne Punsalang November 22, 2017 - 10:29 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Nagkahabulan mula Commonwealth Avenue hanggang sa Barangay Holy Spirit Drive sa lungsod Quezon ang mga otoridad at isang Nissan Patrol matapos nitong araruhin ang isang motorsiklo at dalawa pang mga sasakyan.

Kwento ng driver ng UV Express na unang binangga ng Nissan Patrol na minamaneho ng suspek na si Niño San Gabriel, binabagtas niya ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang bigla na lamang silang gitgitin ng Patrol.

Dulot na rin ng traffic sa lugar ay hindi agad nakaharurot ang Nissan Patrol, dahilan para makatawag ng tulong ang mga pasahero at driver ng UV Express sa mga kawani ng barangay at mga nagpapatrolyang pulis.

Dahil tuloy sa pag-andar, pinaputukan ng mga otoridad ang gulong ng sasakyan ni San Gabriel.

At bagaman flat na ang dalawang gulong ay pinatakbo pa rin ng suspek ang kanyang sasakyan hanggang sa Holy Spirit Drive.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

TAGS: Barangay Holy Spirit Drive, commonwealth avenue, Niño San Gabriel, Nissan Patrol, Barangay Holy Spirit Drive, commonwealth avenue, Niño San Gabriel, Nissan Patrol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.