Bangkay ng 2 lalaki na kapwa may laslas sa leeg natagpuan sa EDSA Caloocan

By Jan Escosio November 22, 2017 - 07:57 AM

Kuha ni Jomar Piquero

BREAKING: Dalawang lalaki na kapwa may laslas sa leeg ang natagpuang walang buhay sa sidewalk sa northbound lane ng EDSA sa Caloocan.

Natagpuan ang hindi pa nakikilang mga lalaki sa harapan ng Old Manila Press Building.

Nakita ang dalawang bangkay ng isang Grab card driver dakong alas 3:25 ng madaling araw.

May laslas sa leeg ang dalawa ay may nakitang cardboard na nakapatong sa isa sa mga ito.

Nakasulat sa carboard ang mga salitang “Lugar namin ito, ‘wag kayo dito, susunod na kayo”.

May mga pangalan din na nakasulat sa cardboard.

Ang isa sa mga biktima ay nakasuot ng kulay pula na shorts at stripe na t-shirt habang asul na maong short at puting t-shirt naman ang suot ng isa.

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, EDSA northbound, Old Manila Press Building, caloocan, EDSA northbound, Old Manila Press Building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.