Sarah Geronimo waging muli ng international award

By Rhommel Balasbas November 22, 2017 - 01:54 AM

 

IG/vivaartistsagency

Muling nagdala ng karangalan sa Philippine Music Industry ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ito ay matapos muling makasungkit ang singer-actress ng international award mula sa katatapos lamang na Daf BAMA Music Awards.

Nakuha ni Geronimo ang “Best Filipino Act” na ianunsyo mismo ng Viva, ang talent agency na may hawak kay Geronimo.

Ang Daf BAMA Music Awards ay isang international multicultural music award show ng Daf Entertainment na nakabase sa Hamburg, Germany.

Layon ng naturang award giving body na parangalan ang mga music artists sa iba’t ibang panig ng mundo at mapag-isa ang lahat sa pamamagitan ng musika.

Samantala, inanunsyo rin ng Viva na nominado rin si Geronimo sa isa pang international award giving body na “Golden Panther Awards”.

Ilan sa mga malalaking international awards na nakuha na ng singer-actress ay nagmula sa MTV Europe Music Awards at World Music Awards.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.