25 sugatan sa banggaan ng tatlong bus sa Quezon

By Mariel Cruz November 21, 2017 - 12:49 PM

Sugatan ang nasa dalawampu’t limang pasahero matapos magbanggaan ang tatlong bus sa Tagcawayan, Quezon.

Naganap ang aksidente sa Quirino Highway, Barangay San Francisco, gabi ng Lunes.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang isang Philtranco bus na galing Naga sa matarik at pakurbang bahagi ng kalsada kaya bumangga ito sa kasalubong na isa pang Philtranco bus galing Maynila.

Hindi rin nakaiwas ang isang Elavil bus kung kaya’t bumangga din ito.

Dahil dito, humambalang sa kalsada ang tatlong malalaking sasakyan.

Agad naman dinala ang mga biktima, kabilang na ang isang walong taong gulang na pasahero, driver ng dalawang Philtranco bus na sina Ricardo Petallo at Virgillio Aurellano Jr. sa isang ospital sa Naga City.

Dahil sa insidente, mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to properties ang driver ng nag-overtake na bus na si Petallo.

 

 

 

 

TAGS: accident, bus, Tagkawayan Quezon, accident, bus, Tagkawayan Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.