35 sugatan sa sunog sa isang cosmetic factory sa New York

By Mariel Cruz November 21, 2017 - 08:41 AM

PHOTO CREDIT: NYS DHSES

Sugatan ang hindi bababa sa tatlumpu’t lima katao sa matapos masunog ang isang cosmetics factory sa New Windsor, New York, USA.

Bukod sa sunog, dalawang magkasunod na pagsabog pa ang naganap sa loob ng pabrika.

Kabilang sa mahigit tatlumpung nasugatan ay ang pitong bumbero.

Ayon sa New Windsor police, naganap ang unang pagsabog bandang 10:15 ng umaga ng Lunes sa Verla International cosmetics factory.

Nasa loob na ng pabrika ang mga bumbero nang maganap naman ang ikalawang pagsabog bandang 10:40 ng umaga.

Sinabi ni Town Supervisor George Green na ginagamot na sa isang ospital sa Newburgh ang mga sugatang biktima.

Dalawa aniya sa mga nasugatang bumbero ay dinala sa burn unit ng Westchester Medical Center.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Hindi naman gumagana ang telephone number ng kumpanya at hindi pa rin sinasagot ang email na ipinadala sa kanila.

 

 

 

 

 

 

TAGS: cosmetic factory, fire incident, new york state, cosmetic factory, fire incident, new york state

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.