Lalaking naaresto sa pangmomolestya sa 7-anyos na bata, nabaril ng pulis matapos mang-agaw ng baril

By Mark Gene Makalalad November 20, 2017 - 06:55 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang lalaki na naaresto dahil sa kasong pangmomolestya sa 7 taong gulang na bata makaraang mang-agaw umano ng baril sa pulis.

Kinilala ang suspek na si Paolo Nel Pabale, 31 anyos at residente ng 1 Buena Compound, Cainta Rizal.

Tama sa ulo ang ikinamatay ni Paolo na nakaposas pa nang dalhin sa Pasig City General Hospital pasado alas-9:45 kagabi.

Nabatid na naaresto ang suspek makaraan itong matyempuhan ng mga pulis sa labas ng Kutsaron KTV Bar sa Ortigas Avenue na umiinom ng alak.

Depensa ni PO1 Rey Pacis, ipapa-medical lang sana nila ang naarestong suspek nang bigla na lamang itong nag-amok sa loob ng police mobile habang binabagtas nila ang kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Maybunga.

Nasaktan umano ng suspek ang kanyang kasamahan na si PO1 Abuda.

Makaraan nito, pumasok na siya sa eksena at sa kalagitnaan ng kanyang pakikipaggirian sa suspek ay bigla na lamang umano nitong inagaw ang kanyang 9MM na baril.

Aksidenteng nabaril ni Pacis ang suspek na idinekalara namang dead on arrival pagdating ng ospital.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Accidental Firing, Pasig City Police, Radyo Inquirer, Accidental Firing, Pasig City Police, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.