AFP sang-ayon na bansag na terorista ang NPA

By Jay Dones, Kabie Aenlle November 20, 2017 - 02:33 AM

 

Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang bansagan bilang mga terorista ang New People’s Army.

Sa isang panayam, sinabi ni AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla na malinaw naman sa mga nakalipas na ginagawa ng NPA na suportado nito ang terorismo.

Kalimitan aniya ng mga krimen na ginagawa ng NPA ay naka-umang sa pamemerwisyo sa mga inosenteng sibilyan.

Dahil dito aniya, todo ang kanilang suporta sa kanilang commander in chief kaugnay sa naturang usapin.

Bilang katunayan aniya, isa ang counter-terrorism sa magiging prayoridad ng bagong pinuno ng AFP na si General Ray Guerrero.

Pangunahing direktiba aniya ng AFP ay ang alisin ang kakayahan ng mga terorista na makapaghasik ng kaguluhan sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.