2 sundalo, sugatan sa pagsabog ng granada sa Masbate

By Mariel Cruz November 19, 2017 - 02:29 PM

Sugatan ang dalawang sundalo matapos hagisan ng granada ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang municipal building sa bayan ng Cayawan sa Masbate.

Ayon kay Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nakilala ang mga sugatang sundalo na sina Sgt. Dennis Orogo at Private First Class Alfie Romero ng 93rd Civil Military Operations (CMO) Company ng Philippine Army.

Batay sa ulat, binabantayan ng dalawang sundalo ang CMO office nang hagisan ng granada ng dalawang hinihinalang NPA ang likuran bahagi ng gusali.

Agad naman tumakas ang mga rebelde matapos ang insidente.

Dinala naman ang mga sugatang sundalo sa isang ospital para lapatan ng paunang lunas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.