Suspek sa panggagahasa at pagpatay sa bank employee sa Pasig, naaresto na

By Mariel Cruz November 19, 2017 - 10:41 AM

Mabel Cama’s FB Page

Naaresto na ang pangunahing suspek sa panggagahasa at pamamaslang sa isang bank employee sa Pasig City.

Ayon kay Senior Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig police, kinilala ang suspek na si Randy Oavenada.

Kinumpirma ni Yebra na tumugma ang mga fingerprint ni Oavenada sa mga sample na nakuha sa cellphone at sa mismong katawan ng biktima.

Ang nasabing cellphone ay narekober malapit sa bangkay ni Mabel Cama.

Bukod dito, sinabi ni Yebra na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang suspek.

Ngayon ay nasa kustodiya na ng Pasig City police si Oavenada habang patuloy naman na pinaghahanap ang isa pang suspek sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.