Lalaking hinalay ang sariling anak, arestado sa Caloocan City

By Justinne Punsalang November 19, 2017 - 05:41 AM

File Photo

Timbog ang isang lalaking hinalay umano ang sariling anak na babae sa Barangay 83, sa Caloocan City.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concernez citizen tungkol sa panghahalay ng suspek sa kanyang labindalawang taong gulang na anak.

Kaagad na rumedpunde ang mga elemento ng Caloocan City Police Community Presinct 2 at dinatnan ang lalaking nakikipag-inuman sa kanyang mga kapitbahay.

Matapos mahuli ang lalaki ay hindi naman na nito itinanggi ang ginawang krimen.

Samantala, hindi naman nagpaunlak ng panayam ang biktima tungkol sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.