Kapatid ng isa sa mga players ng Adamson, sinabing luto ang laban ng koponan vs DLSU

By Rhommel Balasbas November 19, 2017 - 04:00 AM

Hindi napigilang maglabas ng pagkadismaya sa Twitter si Maverick Ahanmisi, kuya ng Adamson Player na si Jerrick ukol sa naging laban ng Falcons kontra De La Salle Green Archers sa UAAP.

Bigo na ma-ibook ng Falcons ang Finals seat matapos matalo ng Green Archers sa iskor na 82-75.

Inaakusahan ni Ahanmisi ang laban bilang “cooked” o niluto.

Sa serye ng kanyang mga tweet, inaakusahan ni Maverick na binayaran ng La Salle ang referees sa naturang laban.

Binatikos niya rin ang naging pisikal na pagdepensa ng La Salle player na si Kib Montalbo sa kanyang nakababatang kapatid.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Maverick na hindi si Montalbo ang kanyang tunay na concern kundi ang nangyari anyang free throw discrepancy sa laro.

Nagreply naman si Montalbo sa akusasyon ni Ahanmisi at iginiit na ginawa lamang niya ang nararapat at nirespeto niya si Jerrick bilang isang manlalaro.

Sa huli ay pinuri naman ni Ahanmisi si Montalbo at sinabing ginawa lang naman niya talaga ang dapat gawin at hiling nito ang good luck para sa finals  ng torneo.

TAGS: DLSU vs Adamson, Maverick Ahanmisi, UAAP Season 80, DLSU vs Adamson, Maverick Ahanmisi, UAAP Season 80

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.