“Magic 8” ng MMFF 2017, kumpleto na

By Isa Avendaño-Umali November 17, 2017 - 04:07 PM

 

 

Kumpleto na ang “Magic 8” o walong pelikula na pasok sa Metro Manila Film Festival para sa kasalukuyang taon.

Inunsyo ng MMFF executive committee na pasok sa Magic 8 ang mga pelikulang:

– “Dedma Walking” ng T-Rex Entertainment na directed ni Julius Alfonso habang si Joross Gamboa ang main actor
– “Siargao” ng TEN17P Productions na directed naman Paul Soriano at starring sina Jericho Rosales at Erich Gonzales
– “Haunted Forest” ng Regal Entertainment, sa direksyon ni Ian Loreños at tampok si Jane Oineza
– at ang “Larawan” ng Culturtain Musicat Productions, sa direksyon ni Loy Arcenas at tampok sina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at iba pa.

Nauna nang inanunsyo ng MMFF ang unang apat na pelikulang kasama sa Magic 8:

– “Ang Panday” ni Coco Martin
– “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach
– “All of You” nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay
– at “Meant to Beh” nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Samantala, ang pinal na listahan ng MMFF 2017 short films ay ang mga sumusunod:

– “Anino”
– “Anong Nangyari Kay Nicanor Dante?”
– “Black Market”
– “Crab Mentality”
– “Gunita”
– “Isang Gabi (One Night)”
– “Kinalimutan Natin ang mga Bata”
– “Noel”

Showing ang mga pelikula simula sa mismong araw ng Pasko, December 25, at magkakaroon ng awards night makalipas ang ilang araw.

 

 

 

 

TAGS: #MMFF2017, #MMFF2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.