Truck driver patay matapos sumabit ang crane sa live wire sa Ilocos Norte

By Kabie Aenlle November 17, 2017 - 12:19 AM

 

Patay ang isang driver ng boom truck habang sugatan naman ang isa nitong pahinante matapos sumabit ang crane ng truck sa isang live wire sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Kinilala ang nasawing driver na si Antonio Minandres Jr., habang ang kaniyang kasamahang nasugatan naman ay si Basil Tabignason.

Ibababa na sana ng truck ang laman ng crane nang biglang sumabit ito sa kable ng kuryente.

Nasunog ang katawan ni Minander na kaniyang ikinasawi at umuusok pa ito nang mailabas sa truck, habang si Tabignason naman ay nasa kritikal na kondisyon ngayon sa ospital.

May tatlo pang pasahero ang naturang boom truck pero sa maswerte silang nakaalis agad nang mangyari ang insidente kaya hindi sila nasaktan.

Rumesponde naman agad ang mga tahan ng Ilocos Norte Electric Cooperative para kumpunihin ang sirang kable ng kuryente na nagsanhi ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.