250,000 nabinbing contraceptives, ipamimigay na ng DOH

By Alvin Barcelona November 17, 2017 - 12:27 AM

 

Ipamimigay na ng Department of Health ang tinatayang 250,000 contraceptive subdermal implant na mag-eexpire na sa 2018 hanggang 2019 sa mga regional offices nito at mga civil service organization.

Kasunod ito ng pagtatanggal ng temporary restraining order ng Korte Suprema dito.

Ang mga nasabing contraceptive ay naka-imbak ngayon sa mga warehouse ibat ibang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Dr. Juan Antonio Perez III, executive director ng Commission on Population (POPCOM), partikular nilang ipapamahagi ang Implanon at Implanon NXT at iba pang re-certified na contraceptive.

Ang mga ito ay inaasahang darating sa mga health center sa loob ng dalawang linggo para magamit ito bago mag-expire sa September 2018 at March 2019.

Matatandaang nagpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order na pumigil sa Food and Drug Administration (FDA) para mag-isyu ng bago o nakabinbing aplikasyon para sa re-certification.

Dahil dito, hindi makabili o makapamahagi ang DOH ng mga nasabing contraceptive kasama ang mga injectables at progestin-only-pill habang naka-taas ang TRO.

Mayroon na lamang na anim na buwang supply ng mga injectable ang DOH, at aabutin naman ng isang taon para I-replenish ang mga ito.

Gagamitin naman ng DOH ang natitira nitong 4.2 billion pesos sa 2017 para I-refill ang kanilang imbentaryo ng mga contraceptive.

Dahil dito, tuluyan nang maipapatupad nang buo ang Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.