Maria Isabel Lopez, humarap na sa LTO

By Cyrille Cupino November 16, 2017 - 12:26 PM

Inquirer Photo | Grig Montegrande

Humarap sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez.

Ito’y matapos siyang padalhan ng show-cause order ng tanggapan noong Lunes dahil sa pagpasok niya sa ASEAN lane.

Kasama ni Lopez na dumulog sa tanggapan ng LTO ang kanyang abogado.

Paliwanag ni Lopez kay Francis Ray Almora, direktor ng Law Enforcement Service ng LTO, hindi niya intensyong lumabag sa security protocol na ipinatutupad sa ASEAN lane sa bahagi ng Shaw Blvd.

Dagdag pa ni Lopez, akala niya ay wala siyang nilabag na batas nang siya ay dumaan sa ASEAN lane dahil hindi naman siya sinita ng naka-duty na MMDA traffic constable.

Humingi na rin ng tawad si Lopez sa kanyang ginawa, pero ayon kay Almora, desidido pa rin ang LTO at MMDA na patawan ng kaukulang parusa ang aktres.

Matatandaang ipinagmalaki pa ni Lopez sa social media ang kanyang pagdaan sa ASEAN Lane habang naiipit sa matinding traffic ang maraming motorista noong nakaraang Sabado.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ASEAN lane, Asean summit, lto, Maria Isabel Lopez, ASEAN lane, Asean summit, lto, Maria Isabel Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.