P1-M pabuya, alok ng Bataan LGU sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa isang magkasintahan

By Dona Dominguez-Cargullo, Mariel Cruz November 16, 2017 - 11:26 AM

Nag-alok ng isang milyong pisong pabuya ang local government unit ng Bataan para sa ikadarakip ng mga suspek sa pamamaslang sa isang magkasintahan sa lalawigan.

Natagpuan ang bangkay ng magkasintahan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong nakaraang Linggo.

Nakitang palutang-lutang ang katawan ng biktima na si James Carl Guzman, 22 years old, sa bayan ng Orion habang ang nobya naman niya na si Glory Mary Carbonell, 19 years old, ay natagpuan naman sa munisipalidad ng Pilar.

Una nang napaulat na nawawala ang magkasintahan bago pa matagpuang patay.

Batay sa resulta ng otopsiya, namatay sa Guzman dahil sa malakas na hampas sa batok gamit ang isang paddle.

Sa preliminary medical report naman, lumabas na posibleng ginahasa si Carbonell bago patayin sa pamamagitan ng paglunod.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 1 million reward, bataan, Glory Mary Carbonell, James Carl Guzman, 1 million reward, bataan, Glory Mary Carbonell, James Carl Guzman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.