2 lalaki, arestado matapos mangholdap ng isang negosyante sa QC

By Mark Gene Makalalad November 16, 2017 - 10:17 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang dalawang lalaki na nangholdap ng isang negosyanteng pauwi sana ng kaniyang bahay sa Everlasting St, Brgy Batasan Hills, Quezon City.

Nakilala ang dalawa na sina John Paul Orkaja at Verjel Balando kapwa 18 taong gulang at residente ng Lower Street Brgy. Payatas B- Quezon City.

Ayon sa biktima na si Agrenz Ghen Escalona, alas-12:00 ng madaling araw nang tutukan sya ng baril ng mga holdaper at kunin ang dala nyang laptop sa Everlasting St.

Agad niya itong inireklamo sa mga pulis na agad namang nagkasa ng follow up operation dahil may record na pala ang mga ito ng pagnanakaw sa tatlong katao noong November 14.

Sumama sa patrolya ang biktima at sa kanilang pag-iikot dito nila namataan ang mga suspek kasama ang tatlo pa nilang kasamahan na nakatakas.

Nakuha sa mga suspek ang isang laptop, kustilyo na may anim na pulgada ang haba at isang replica ng 9MM na baril.

Mahaharap ang dalawa sa kasong robbery hold up.

 

 

 

 

 

 

TAGS: hold-up incident, metro news, quezon city, Radyo Inquirer, hold-up incident, metro news, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.