WATCH: Lalaki, binaril habang natutulog sa Barangay Batasan Hills, Quezon City

By Justinne Punsalang November 15, 2017 - 08:10 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Isang tama ng bala sa batok ang tumapos sa buhay ng isang taxi driver matapos itong barilin mismo sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Batasan Hills sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktimang si Edrian Galang, tatlumpu’t siyam na taong gulang at isang taxi driver.

Kwento ng kinakasama ni Galang na si Zaineth Nismal, natutulog na ang biktima at kanilang tatlong mga anak nang may lalaking may suot na helmet na pumasok sa kanilang bahay at ginising si Galang.

Matapos nito ay bumunot na ng baril ang suspek at binaril si Galang sa batok.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: barangay batasan hills, edrian galang, metro news, quezon city, taxi driver, barangay batasan hills, edrian galang, metro news, quezon city, taxi driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.