2 persons of interest sa pagpatay sa bank employee sa Pasig, hinahanap ng mga pulis

By Kabie Aenlle November 15, 2017 - 04:00 AM

Mula sa Facebook page ni Mabel Cama

Hinahagilap na ng mga pulis ang dalawang persons of interest na hinihinalang may kinala,an sa panggagahasa at pagpatay sa babaeng empleyado ng bangko sa Pasig City.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo Sapitula, lumutang ang bus driver na si Randy Oavenada bilang saksi sa insidente.

Huli umanong nakita ni Oavenada ang biktimang si Mabel Cama sa Mega Bus terminal sa Barangay Rosario pasado alas-10:00 ng gabi ng Sabado.

Namataan niya umano ang dalawang lalaki na nakabuntot kay Cama habang gumagamit ng cellphone.

Ngunit nang umalis si Oavenada para kumain, hindi na niya nakita si Cama at ang dalawang lalaki nang siya ay bumalik.

Ayon sa mga inisyal na imbestigasyon, narinig umano ng security guard ang tinig ng isang babae na humihingi ng saklolo, sa mga oras kung kailan nawala si Cama.

Matatandaang natagpuan na lamang ang bangkay ni Cama sa garahe ng towing firm, na sunog ang kalahati ng katawan at wala nang damit pang-itaas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.