Larawan nina Duterte at Trump, banner photo ng “The Independent”, may titulong “Hand in hand with a killer”

By Len Montaño November 14, 2017 - 11:28 AM

Twitter Photo | The Independent

Nag-publish ang isang british newspaper ng isang litrato na may titulong “Hand in hand with a killer” kung saan makikitang magkahawak-kamay sina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. President Donald Trump.

Inilabas ng pahayagang “The Independent” ang banner photo nina Duterte at Trump sa kanilang front page.

Kuha ang larawan sa unang araw ng 31st ASEAN Summit and Related Meetings na ginagawa sa Pilipinas.

Sa ngayon ay walang lumalabas na pahayag o reaksyon ang Malakanyang o si Presidential Spokesman Harry Roque ukol sa litrato.

Lumabas ang larawan sa gitna ng batikos sa madugong war on drugs ng administrasyon ni Duterte.

Una na ring inamin ng pangulo na noong siya ay disi-sais anyos pa lamang ay nakapatay na siya ng tao sa pamamagitan ng pagsaksak sa isang rambol.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: banner photo, donald trump, Hand in hand with a killer, rodrigo duterte, the independent, banner photo, donald trump, Hand in hand with a killer, rodrigo duterte, the independent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.