WATCH: Mga lokal na opisyal ng Lanao Del Sur nagsasagwa ng inspeksyon sa main battle area

By Erwin Aguilon November 14, 2017 - 10:52 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Nag-inspeksyon ang mga lokal na opisyal ng Lanao Del Sur sa main battle area sa Marawi City.

Ang inspeksyon ay pinangunahan ni Lanao Del Sur Vice Gov. Mamintal Adiong Jr., Marawi City Mayor Majul Gandamra at mga alkalde sa iba pang bayan sa lalawigan ng Lanao Del Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Adiong na kabilang sa nawasak sa naganap na giyera sa Marawi ang ancestral house ng pamilya Adiong.

Matinding pinsala ang natamo ng ancestral house at imposible nang makumpuni pa.

Samantala, umaasa naman si Mayor Majul Gandamra na matatapos sa lalong madaling panahon ang pag-rebuild sa Marawi City.

Positibo aniya ang lokal na pamahalaan sa pahayag ng pangulo na isasagawa sa lalong madaling panahon ang rebuilding.

Sa ganitong paraan, maiibsan kahit papaano ayon kay Gandamra ang kalungkutan at sama ng loob ng mga naapektuhang residente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Lanao Del Sur, main battle area, majul gandamra, Mamintal Adiong Jr, Marawi City, Radyo Inquirer, Lanao Del Sur, main battle area, majul gandamra, Mamintal Adiong Jr, Marawi City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.