James Reid, wagi sa 2017 Europe Music Awards

By Jay Dones November 14, 2017 - 02:19 AM

 

Wagi ang aktor at singer na si James Reid bilang Best Southeast Asian Act sa katatapos lang na MTV Europe Music Awards 2017 na ginanap sa London.

Naungusan ni James ang iba pang mga kalahok sa naturang kategorya mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia tulad ng Malaysia, Vietnam, Indonesia at Thailand.

Bagama’t hindi nagawang personal na tanggapin ang award, nagpahatid naman ng pasasalamat ang aktor sa pagkilalang ibinigay ng European Music Awards.

Nangako rin itong magpapatuloy sa paggawa ng mga kanta upang ilapit ang Pilipinas sa puso ng international audience.

Bukod kay Reid, nanalo rin sa iba’t ibang kategorya sa EMA Awards sina Camilla Cabello bilang Best Pop Artist, Shawn Mendez, bilang Best Artist, at Eminem bilang Best Hip-Hop Artist.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.