Mahigit 400 na ang patay sa magnitude 7.3 na lindol sa Iran-Iraq border

By Jay Dones November 14, 2017 - 03:01 AM

 

Umakyat na sa mahigit 400 ang bilang ng nasawi sa malakas na magnitude 7.3 na lindol na yumanig sa border ng bansang Iran at Iraq.

Bukod sa 407 nasawi, umaabot na sa mahigit 6,700 ang napaulat na nasaktan sanhi ng naturang pagyanig.

Partikular na naapektuhan ng lindol ang mga residente sa Kermansah province sa Iran na isang bulubunduking lalawigan.

Karamihan sa nasawi ay mula sa naturang lugar, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sa Iraq, nasa pito katao ang namatay samantalang 535 naman ang nasugatan bunga ng mga landslide at mga gumuhong bahay at establisimiyento.

Natukoy ang episentro ng lindol may 31 kilometro sa labas ng eastern Iraqi city ng Halabja.

Gayunman, dahil sa lakas ng pagyanig, naramadaman ang epekto nito hanggang sa Mediterranean cast na may layong mahigit isanlibong kilometro ang layo mula sa epicenter ng lindol.

Sa kasalukuyan, daan-daan nang aftershocks ang naitatala matapos ang naunang lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.