National University Lady Bulldogs, tinalo ang University of the East Lady Warriors

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 05:56 PM

Courtesy: NU Lady Bulldogs Women’s Basketball Facebook

Bagaman hindi nakapasok ang kanilang koponan sa Final Four ng UAAP Men’s Basketball Tournament ay promising naman ang naging performance ng National University Lady Bulldogs.

Ito ay matapos nilang talunin ang University of the East Lady Warriors sa iskor na 63-50 sa UAAP Season 80 Women’s Basketball Tournament.

Ito na ang ikaapat na sunod na taong ‘effortless’ na nalampasan ng Lady Bulldogs ang elimination round.

Nanguna si Ria Nabalan para sa koponan na nakapgtala ng 14 puntos, limang rebounds, at tatlong assists.

Sinundan naman siya nina Trixia Antiquiera at Je Anne Camelo na nakapagbigay ng tig-11 puntos para sa kanilang koponan. Habang 10 puntos naman ang ibinigay ni Janet Sison.

Para naman sa Lady Warriors, si Ruthlaine Tacula ang nakapagbigay ng pinakamaraming puntos sa iskor na 14.

Bagaman natalo ay mayroon namang twice-to-beat advantage ang Lady Warriors na ngayon ay nasa ikalawang pwesto sa naturang torneo.

TAGS: Lady Bulldogs, Lady Warriors, National University, UAAP Season 80, University of the East, Women's Basketball Tournament, Lady Bulldogs, Lady Warriors, National University, UAAP Season 80, University of the East, Women's Basketball Tournament

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.