Mga labi ni Isabel Granada, na-cremate na

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 05:49 PM

Na-cremate na ang mga labi ng aktres na si Isabel Granada sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

Sa magkakasunod na Facebook posts ng pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera ay ibinahagi nito ang mga detalye ng pre-cremation at cremation ceremonies para sa aktres.

Bago naganap ang cremation ay binigyan ng military honors si Isabel ng Philippine Air Force. Matatandaang naging second class airwoman ng Air Force si Isabel sa loob ng dalawang taon.

Matapos i-cremate ang mga labi ng aktres ay nagkaroon ng ‘letting go’ ceremony kung saan nagpalipad ang mga kaanak at kaibigan ni Isabel ng mga paru-paro.

Naging madamdamin naman ang pamamaalam ng partner ni Isabel na si Arnel Cowley.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Cowley na mahirap mang magpaalam ay alam naman niyang nasa maayos na lugar na ang aktres.

Ayon pa dito, mamimiss niya ang hawak, ngiti, at tawa ni Isabel. Ngunit higit sa lahat, mamimiss niya ang pagmamahal ng aktres.

TAGS: Isabel Granada, Isabel Granada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.