Roach: Pacman, dapat nang magretiro matapos magkaroon ng rematch kay Horn

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 05:30 AM

Nais na ng Hall of Fame trainer na si Freddie Roach na magretiro na ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao matapos niyang magkaroon ng rematch kay Jeff Horn.

Matatandaang natalo sa pamamagitan ng kontrobersyal na unanimous decision si Pacquiao sa kanilang laban ni Horn noong July.

Mayroon nang mga uguong-ugong na magkakaroon ng rematch ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kasadong kasunduan para muli nilang paglabanan ang WBO welterweigh title.

Sinabi ni Roach na dapat ay matutuloy na ang rematch ni Pacquiao at Horn sa susunod na taon, ngunit hindi pa ma-set ang eksaktong petsa dahil may conflict ito sa kanyang mga responsibilidad bilang senador.

Dagdag pa ni Roach, napag-uusapan na nila ni Pacquiao ang pagreretiro ngunit hindi naman siya makakapayag na lilisanin na ng kanyang protegee ang boxing nang wala man lang hawak na world title.

TAGS: Coach Freddie Roach, manny pacquiao, Coach Freddie Roach, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.