UP Fighting Maroons seniors, masayang iiwan ang koponan

By Rhommel Balasbas November 12, 2017 - 03:45 AM

Bigo mang makapasok sa Final Four ng UAAP Season 80, ay masayang iiwan ng Seniors ng University of the Philippines Fighting Maroons ang koponan.

Nawalan man ng saysay ang pagkapanalo ng UP kontra National University Bulldogs ay hindi naman nawalan ng halaga ang last game ng ilan sa mga manlalaro nito.

Ito na ang huling laro nina Paolo Romero, Ibrahim Quattara, Rob Ricafort at Andrew Harris para sa koponan.

Ayon kay Ricafort, hindi mahalaga kung ilang minuto o gaano katagal lamang sila naglalaro sa court, ang mahalaga ay ibinigay nila ang lahat ng makakaya.

Anila, masaya nilang iiwan ang koponan at wala silang kahit anong pinagsisisihan.

Naitala ng UP ang 6-8 win loss record sa UAAP Season 80 matapos ang malaking lamang na iniwan sa kanilang laban kontra NU kahapon sa iskor na 106-81.

TAGS: Fighting Maroons, UAAP Season 80, up, Fighting Maroons, UAAP Season 80, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.