2 construction worker natabunan sa ginagawang gusali sa Bacolod City

By Rohanissa Abbas November 11, 2017 - 07:34 PM

Police banner

Dalawang construction worker ang namatay nang gumuho ang bahagi ng isang ginagawang gusali sa Bacolod City.

Naganap ang pagguho kaninang madaling araw na ikinamatay ng mga biktimang sina Doddy Mallorca, 30-anyos at ang 36-anyos na si Hercalo Abraham.

Sa paunang imbestigasyon ng Bacolod City PNP, nagbubuhos ng semento sa ika-anim ng ginagawang gusali ang mga biktima nang bigla na lamang itong gumuho.

Inabot pa ng anim na oras bago nahugot ang mga labi ng biktima dahil natabunan sila ng makapal na semento.

Madaling-araw umano nagtatrabaho ang mga construction sa lugar dahil nagrereklamo sila sa mainit na sikat ng araw.

Humihingi ng tulong sa may-ari ng ginagawang gusali ang mga kaanak ng mga namatay na construction worker.

TAGS: bacolod city, Building, construction worker, bacolod city, Building, construction worker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.