Malakanyang, nagmatigas laban sa pagbawas sa income tax

By Alvin Barcelona September 16, 2015 - 03:05 PM

 

Inquirer file photo

Nanindigan ang Malacañang kontra sa mga nagsusulong na tapyasan ang income tax sa bansa.

Sa harap ito ng apela ng grupong Joint Foreign Chambers na irekonsidera ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkontra nito sa tapyas-buwis dahil taliwas sa pangamba nito, hindi ito magreresulta sa deficit at sa halip ay magpapasigla pa nga ng investment at komersyo.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, mas gusto ni Pangulong Aquino na ipagpatuloy ang umiiral na sistema nito sa usapin ng buwis hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Layon aniya dito ng Pangulo na ma-preserba ang mga natamong economic gains sa pamamagitan ng maayos na pamamahala sa macro- economic fundamentals ng bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.